Wednesday, 1 February 2017

PAKSIW NA BANGUS

Certified lutong pambahay, pamana ni inay😊..di gaanong halata na mapurol yung knife ko😛. I want to call this PAKSIW NA BANGUS. Why? Wala lang..trip ko lang😁. Alam kong alam na ng lahat kung paano magluto ng paksiw, but then again, gusto ko pa ring iShare sa inyo yung ginawa ko. Sa ayaw nyo't sa hindi, narito ang aking version..oo, version ko to..ako nagluto eh😁..

First and foremost, linisin ang bangus at ang mga rekados gaya ng luya, atsal (bell pepper), siling green (espada kung tawagin sa amin), at bawang at ilagay ang mga ito sa isang palayok o lutuan. Lagyan ng asin, white sugar, pamintang durog, suka, at konting tubig. Isalang sa mahinang apoy hanggang sa maluto. Kapag malapit ng maluto, patakan ng konting oil. Yan lang😊. So simple di po ba..? Hanggang sa muli..

No comments:

Post a Comment